Kaibigan
Pagsunod kay Jesus sa Chile
Pebrero 2026 Kaibigan


“Pagsunod kay Jesus sa Chile,” Kaibigan, Pebrero 2026, 16–17.

Pagsunod kay Jesus sa Chile

Kilalanin si Santiago

Si Santiago at ang kanyang ina na nakangiti at may set ng mga banal na kasulatan

Sinusunod ni Santiago si Jesucristo sa pamamagitan ng pagsama sa iba. Ang isa sa kanyang mga kaklase ay hindi mabilis tumakbo at madalas na hindi isinasama sa mga football team. Sinimulan siyang anyayahan ni Santiago na maglaro sa kanyang team! Sabi niya, “Maganda ang pakiramdam ko dahil tinularan ko ang halimbawa ni Jesus.”

Sinusunod din ni Santiago ang Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagdarasal. Nang mabali ni Santiago ang kanyang braso, natakot siya. Sinabi sa kanya ng kanyang ina na manalangin sa Ama sa Langit para sa kapanatagan. “Nakatulong iyon para mapanatag ako,” sabi niya.

Tungkol kay Santiago

Nakangiti si Santiago kasama ang kanyang mga kapatid na babae

Edad: 7

Mula sa: Valparaíso Region, Chile

Wika: Spanish

Mithiin: 1) Maging football player. 2) Magmisyon.

Mga Libangan: Paglangoy, paglalaro ng football at basketball, at pag-aaral ng mga bagong isport

Pamilya: Santiago, Inay, Itay, at dalawang kapatid na babae

Si Santiago at ang kanyang mga kapatid na babae na naglalaro sa isang palaruan na yari sa kahoy

Mga Paborito ni Santiago

Nakikipagtawanan si Santiago sa kanyang pamilya

Kuwento tungkol kay Jesus: Lucas 2 dahil itinuturo nito kung paano isinilang si Jesus sa isang sabsaban at kung gaano Siya mapagpakumbaba

Holiday: Pasko, dahil kaarawan ito ni Jesucristo at ang buong pamilya ay karaniwang magkakasama

Pagkain: Humita (giniling na mais na nakabalot sa mga balat ng mais at pinasingawan) na may Chilean salad (kamatis na may sibuyas)

Si Santiago na nagbabasa ng aklat kasama ang kanyang nakababatang kapatid na babae
PDF ng pahina