Kaibigan
Lingguhang Kasayahan sa Banal na Kasulatan
Pebrero 2026 Kaibigan


“Lingguhang Kasayahan sa Banal na Kasulatan,” Kaibigan, Pebrero 2026, 41–44.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Lingguhang Kasayahan sa Banal na Kasulatan

Enero 26–Pebrero 1

Genesis 5; Moises 6

Pagbabahagi ng Iyong Patotoo

Awit: “Kay Jesus Nananalig Ako” (Mga Himno—Para sa Tahanan at Simbahan, 1024)

Banal na Kasulatan: Moises 6:27–33

Aktibidad: Tinulungan ng Panginoon si Enoc na ituro ang ebanghelyo. Ituro ang ebanghelyo tulad ni Enoc sa pamamagitan ng pagbabahagi ng iyong patotoo! Manalangin para makatanggap ng tulong mula sa Ama sa Langit. Sumulat o magdrowing ng isang bagay na pinaniniwalaan mo. Pagkatapos ay ibahagi ang iyong patotoo sa isang taong mahal mo.

Pebrero 2–8

Moises 7

May Isang Puso at Isang Isipan

Awit: “Mahalin ang Bawat Isa” (Aklat ng mga Awit Pambata, 74)

Banal na Kasulatan: Moises 7:18

Aktibidad: Ang mga tao ni Enoc ay “may isang puso at isang isipan” (Moises 7:18). Ibig sabihin ay naglingkod silang lahat sa isa’t isa at nagtulungan. Magpraktis na magtulungan sa pamamagitan ng paggawa ng takbuhan gamit ang tatlong paa! Kasama ang isang ka-partner, gumamit ng malaking panyo para itali ang isa sa iyong mga binti sa isang binti ng partner mo. Gaano kaya kabilis ang pagtakbo ninyo?

Pebrero 9–15

Genesis 6–11; Moises 8

Sundin ang Propeta

Awit: “Halina at Dinggin si Cristo” (Mga Himno—Para sa Tahanan at Simbahan, 1031)

Banal na Kasulatan: Genesis 6:14–22

Aktibidad: Gamitin ang mga tagubilin sa origami para makagawa ng bangkang papel. Pagkatapos ay buklatin ang pahina 49 para gupitin si Noe at ang kanyang mga hayop para isakay sila roon! Habang ginagawa mo ang iyong arka, pag-usapan ang mga paraan na masusunod ninyo ang Ama sa Langit at mapapalakas ang inyong pananampalataya.

Origami ng Arka ni Noe

  1. Tupiin ang parihabang papel sa gitna nang pahiga.

  2. Buksan ang papel para nasa itaas ang tupi.

  3. Itupi ang mga sulok sa itaas para makagawa ng mga tatsulok sa gitna.

  4. Itupi nang pataas ang parihabang nasa ilalim.

  5. Baliktarin at itupi ang maliliit na tatsulok nang pababa.

  6. Itupi ang isa pang parihaba nang pataas.

  7. Hilahin ang mga gilid ng bukas na bahagi hanggang ang papel ay maging parisukat.

  8. Itupi ang flap na nasa ilalim upang maabot nito ang nasa ibabaw.

  9. Baligtarin at gawin din ito sa isa pang flap para makabuo ng tatsulok.

  10. Hilahin ang ilalim ng tatsulok upang makabuo ng isang parisukat.

  11. Hilahin pababa ang mga tatsulok sa labas at ibaba ito.

  12. Itulak nang kaunti ang mga sulok upang makumpleto ang iyong arka!

Pebrero 16–22

Genesis 12–17; Abraham 1–2

Dinidinig ng Diyos ang Aking mga Panalangin

Awit: “Sa Aking Pagdarasal” (Mga Himno—Para sa Tahanan at Simbahan, 1030)

Banal na Kasulatan: Abraham 1:15–16

Aktibidad: Dinidinig ng Diyos ang Iyong mga Panalangin. Gumawa ng banner ng panalangin. Sa maliliit na piraso ng papel, isulat o idrowing ang mga bagay na gusto mong ipagdasal o sabihin sa Ama sa Langit. Pagkatapos ay gumawa ng mga butas at isabit ang mga ito sa isang pisi. Gamitin ang banner na ito para mabigyan ka ng mga ideya kung ano ang dapat mong ipagdasal. Tanungin ang isang magulang o lider ng Primary tungkol sa isang pagkakataon na narinig ng Diyos ang kanilang panalangin.

PDF ng pahina

Mga larawang-guhit ni Audrey Day