“3 Regalo na Dapat Ibigay Ngayong Pasko,” Kaibigan, Disyembre 2025, 20–21.
3 Regalo na Dapat Ibigay Ngayong Pasko
Hango mula sa “Mga Regalong Hindi Mabibili ng Salapi” (Pamaskong debosyonal ng Unang Panguluhan, Dis. 8, 2024), Gospel Library.
Ang Pasko ay naghahatid ng espesyal na kagalakan at pagkamangha. Walang pangyayari sa kasaysayan ng mundo ang nagkaroon ng mas malaking epekto kaysa sa kapanganakan at misyon ni Jesucristo. Ipinagdiriwang natin ang Kanyang pagsilang sa maraming iba’t ibang paraan sa buong mundo. May isang tradisyon ng Pasko ang tila ginagawa ng lahat.—ang pagbibigay ng mga regalo.
Gusto kong magmungkahi ng tatlong regalo na maibibigay ng bawat isa sa atin sa Kapaskuhang ito at sa buong buhay natin. Inaanyayahan kita na:
-
Ibahagi ang iyong patotoo. Kapag ibinahagi mo ang mahalagang regalong ito, lalakas ang sarili mong patotoo.
-
Patawarin ang isang taong nakasakit sa iyo. Sa pagbibigay ng regalong ito, ikaw rin ay makakaramdam ng kapayapaan at pagpapagaling.
-
Tulungan ang iba na madama ang pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan mo. Kapag nakita mo ang iba tulad ng pagtingin sa kanila ng Diyos, lalago ang pagmamahal mo sa kanila. Madarama mo rin ang pagmamahal ng Diyos sa iyong buhay.
Hindi mo makikita ang ganitong uri ng mga kaloob sa alinmang tindahan. Ang mga ito ay mga kaloob na walang katumbas ang halaga. Maghahatid ang mga ito ng walang-hanggan at tunay na kagalakan kapwa sa tatanggap at sa nagbigay.
Mga Regalong Maibibigay Ko kay Jesus
Ang mga Pantas na Lalake ay nagbigay ng mga regalo kay Jesucristo, at maaari ka ring magbigay ng regalo! Sa mga gift tag, isulat ang mga bagay na maibibigay mo sa Kanya ngayong Pasko. Pagkatapos ay kulayan ang larawan.
Mga larawang-guhit ni Corey Egbert