2025
Ang Kuwento ng Pasko
Disyembre 2025 Kaibigan


“Ang Kuwento ng Pasko,” Kaibigan, Disyembre 2025, 46–47.

Mga Pangunahing Aral ng Ebanghelyo

Ang Kuwento ng Pasko

Nakikipag-usap ang isang anghel kay Maria

Noong unang panahon, isang anghel ang nagsabi sa isang dalaga na ang pangalan ay Maria na magkakaroon siya ng anak. Siya ay magiging si Jesucristo, ang Tagapagligtas ng mundo.

Sina Jose, Maria, at ang sanggol na si Jesus

Nagpunta si Maria at ang kanyang asawa na si Jose, sa Bethlehem. Oras na para isilang ang sanggol ni Maria!

isang maliwanag na bituin sa kalangitan sa gabi

Isang bagong bituin ang lumitaw sa kalangitan. Kumanta ang mga anghel sa langit.

Mga pastol na nakatingin sa langit

Nagmadali ang mga pastol na makita ang sanggol na si Jesus.

Mga taong nakamasid sa paglubog ng araw

Sa mga lupain ng Amerika, naghihintay ang mga tao ng palatandaan na isinilang si Jesus. Isang gabi, hindi nagdilim nang lumubog na ang araw! Ang kalangitan ay maliwanag hanggang sa muling sumikat ang araw kinabukasan.

Mga pastol sa kuwadra kasama sina Jose, Maria, at ang sanggol na si Jesus

Tuwang-tuwa ang mga tao! Alam nila na isinilang na si Jesus.