“Magmahal na Katulad Niya,” Kaibigan, Disyembre 2025, 2–3.
Mula sa Unang Panguluhan
Magmahal na Katulad Niya
Hango sa “Ang Diwa ng Pasko,” (Pamaskong debosyonal ng Unang Panguluhan, Dis. 5, 2021), Gospel Library.
Sa pagsilang ni Jesus kumanta ang mga anghel, at isang bagong bituin ang lumitaw para tanglawan ang kalangitan. Malugod Siyang tinanggap ng mga pastol. Kalaunan ay inakay ang mga Pantas na Lalake para sambahin Siya.
Pinili ni Jesucristo na bumaba mula sa Kanyang trono sa langit upang mabuhay sa lupa. Ginawa Niya ito dahil sa pagmamahal sa bawat anak na lalaki at anak na babae ng Ama sa Langit. Ginawa Niya ito dahil mahal Niya kayo—at ako.
Para magkaroon ng diwa ng Pasko, kailangan nating sikaping magmahal tulad ng pagmamahal Niya. Ang Kanyang mga salita sa atin ay, “Kayo’y magmahalan sa isa’t isa, gaya ng pagmamahal ko sa inyo” (Juan 15:12).
Nagpapatotoo ako na ang sanggol na isinilang sa Betlehem ay si Jesucristo, ang pinakamamahal na Anak ng Diyos. Mahal ko kayo at nawa’y maging masaya kayo sa Pasko—sa taong ito at sa tuwina.
Sundan ang Bituin
Isang bagong bituin sa langit ang gumabay sa mga Pantas na Lalake papunta sa sanggol na si Jesus (tingnan sa Mateo 2:10–11). Kulayan ang mga bituin para matulungan silang mahanap ang landas papunta sa Betlehem.
Mga larawang-guhit ni Simini Blocker