“Paningningin ang Ating Ilaw,” Kaibigan, Disyembre 2025, 13.
Isinulat Mo
Paningningin ang Ating Ilaw
Sa home evening natutuhan namin kung paano namin magagamit ang aming mga talento para pagpalain ang iba at matulungan silang madama ang pagmamahal ng Diyos. Nabasa namin ang tungkol sa pagtuturo ni Jesus sa mga tao na dapat nilang ibahagi ang kanilang liwanag sa halip na itago ito. Pagkatapos ay pinag-usapan namin ang mga paraan na maibabahagi namin ang aming liwanag sa pamamagitan ng aming mga talento.
Iminungkahi ng nanay namin na tugtugin namin ang aming mga instrumento para sa mga tao sa isang retirement home malapit sa amin. Noong una ay sabik kaming tumugtog. Pero pagdating namin sa retirement home, kinabahan kami. Lalo pa kaming natatakot habang naglalakad kami papasok sa silid kung saan kami magtatanghal.
Pero nang magsimula kaming tumugtog, napanatag kami. Gumagalaw ang paa ng mga tao at sumasabay sa pagkanta ng aming mga awitin. Masaya kaming tumugtog, at masaya kaming makita ang mga ngiti sa kanilang mga mukha.
Mula noon, tumugtog kami sa iba pang mga retirement home, at gusto naming patuloy na gawin ito. Ang matutong tumugtog ng instrumento ng musika ay nangangailangan ng maraming oras at sipag, pero alam natin na ipinagmamalaki tayo ng Ama sa Langit sa pagpapaunlad ng ating mga talento at pagbabahagi nito sa iba.
Larawang-guhit ni Tania Rex