2025
May Sanggol na Tulog sa Sabsaban
Disyembre 2025 Kaibigan


“May Sanggol na Tulog sa Sabsaban,” Kaibigan, Disyembre 2025, 18–19.

May Sanggol na Tulog sa Sabsaban

Marahan

1. May Sanggol na tulog sa sabsaban.

Mga anghel S’ya’y binabantayan.

Ang batang mabait na si Jesus,

Pumarito nang tayo’y matubos.

2. Masdan si Maria na naroroon,

Ang Banal na Sanggol, kanyang kalong.

Si Jose sa tabi’y nakamasid,

Sa sanggol na Hari ng daigdig.

Ang sagradong k’wadra ay payapa,

Sanggol na si Jesus, inaruga.

Pagmamahal ng D’yos ay laganap.

Handog ng Kanyang Anak ay ganap.

Handog ni Cristo, Banal at ganap.