Kaibigan
Hello mula sa South Africa!
Disyembre 2025 Kaibigan


“Hello mula sa South Africa!” Kaibigan, Disyembre 2025, 8–9.

Hello mula sa South Africa!

Ang South Africa ay isang bansa na nasa katimugang dulo ng Africa. Mahigit 60 milyong tao ang naninirahan doon. Ang South Africa ay may 12 opisyal na mga wika.

Bloukrans Bridge

Ito ang pinakamataas na tulay ngayon sa Africa! Natapos ito noong 1983 at mga 708 talampakan (216 m) ang taas sa ibabaw ng ilog.

Cango Caves

Ang Cango Caves ay natuklasan ng isang magsasaka noong 1780. Ang mga kuweba at silid ay nilikha sa pamamagitan ng tubig na tumutulo sa limestone rock sa loob ng mahabang panahon.

Ang African Penguin

Ang mga penguin na ito ay nakatira sa baybayin ng South Africa. Bawat penguin ay may patse ng kulay rosas na balat sa itaas ng kanilang mga mata na tumutulong sa kanila na lumamig ang pakiramdam kapag mainit sa labas.

Lumalangoy na mga Sardinas

Milyun-milyong mga sardinas ang sama-samang nandarayuhan sa baybayin ng South Africa sa taglamig dito na bandang Mayo hanggang Hulyo. Ang grupo ng mga isda ay maaaring 4 milya (7 km) ang haba!

Blue Crane

Ang blue crane ang pambansang ibon sa South Africa. Ang pinakamalaking grupo ng mga blue crane sa mundo ay dito naninirahan!

Johannesburg South Africa Temple

Durban South Africa Temple

Cape Town South Africa Temple (itinatayo)

PDF na pahina ng mapa ng South Africa kasama ang wildlife at mga landmark

Mga paglalarawan ni Naomi Skinner