2025
Isang Espesyal na Regalo sa Pasko
Disyembre 2025 Kaibigan


“Isang Espesyal na Regalo sa Pasko,” Kaibigan, Disyembre 2025, 44–45.

Isang Espesyal na Regalo sa Pasko

Isang totoong kuwento mula sa Finland.

Batang babaeng nakatingin sa mga regalo sa ilalim ng Christmas tree

Pumintig ang puso ni Phoebe na parang snowflakes. Bisperas ng Pasko ngayon! Hindi magtatagal ay narito na sina Lola at Lolo. Nagningning ang Christmas tree. Patingkayad na lumakad si Phoebe sa paligid ng puno at tiningnan ang makukulay na regalo na nasa ilalim nito. Inisip niya kung ano ang magiging regalo niya!

Batang kasama ng kanyang inay at tatay sa kusina

Abala si Inay at Itay sa kusina sa paggawa ng masarap na pagkain. Ang sarap ng amoy nito! May mga Finnish meatball, casseroles, at gingerbread cookies. Mmm!

“Oras na ba para sa mga regalo?” tanong ni Phoebe.

“Huwag muna. Panoorin muna natin ang video tungkol kay Jesus,” sabi ni Itay. “Ang Pasko ay kapag ipinagdiriwang natin ang kaarawan ni Jesucristo.”

Batang babae at kanyang mga magulang na nakaupo sa sopa na nanonood sa telebisyon

Nagtipon ang lahat para panoorin ang video tungkol sa sanggol na si Jesus. Tahimik na nanood si Phoebe.

“Hindi isinilang si Jesus sa isang ospital,” sabi ni Phoebe. “Siya ay isinilang sa isang kuwadra na may damo at mga hayop!”

“Tama,” sabi ni Inay. “Si Jesus ang espesyal na regalo ng Diyos sa atin. Naparito Siya upang ipakita sa atin kung gaano tayo kamahal ng Diyos.”

Nakadama ng sigla at saya si Phoebe. Inisip niya si Jesus at kung gaano siya kamahal ni Jesus. Alam niya na Siya ang pinakaespesyal na regalo sa lahat.

PDF ng pahina

Mga larawang-guhit ni Violet Lemay