“Ang mga Banal ay Nagpunta sa Kanluran,” Kaibigan, Disyembre 2025, 26–28.
Mga Kuwento sa Banal na Kasulatan
Ang mga Banal ay Nagpunta sa Kanluran
Matapos mamatay si Joseph Smith, si Brigham Young at ang iba pang mga Apostol ang namuno sa Simbahan. Alam ni Brigham na kailangang lisanin ng mga Banal ang Nauvoo dahil hindi ligtas doon. Pero nais ng Panginoon na tapusin muna nila ang pagtatayo ng templo.
Nang handa na ang templo, libu-libong mga Banal ang nakipagtipan sa Panginoon at nabuklod bilang mga pamilya.
Ngayon ay oras na para simulan ang kanilang paglalakbay pakanluran. Malamig ang panahon, at maysakit at nagugutom ang mga tao.
Nanalangin si Brigham para humingi ng tulong. Sinabi ng Panginoon na dapat nilang tulungan ang isa’t isa, at pagpapalain at tutulungan Niya sila.
Mahirap pa rin ang paglalakbay nila. May ilang tao na namatay. Pero dahil sa kanilang mga tipan sa templo, alam ng mga Banal na makikita nilang muli ang kanilang mga kapamilya.
Dumating ang grupo ng unang mga Banal sa Salt Lake Valley noong 1847. Dito nila masasamba ang Panginoon at magagawa ang Kanyang gawain nang payapa.
Sa paglipas ng mga taon, mas maraming mga Banal ang nakarating at nagtayo ng mas maraming templo. Naglakbay ang mga missionary sa iba’t ibang panig ng mundo para ituro ang ebanghelyo ni Jesucristo. Patuloy na lumago ang Simbahan ng Tagapagligtas, at pinagpapala ang mga anak ng Ama sa Langit sa lahat ng dako.