“Welcome, mga Kaibigan!” Kaibigan, Disyembre 2025, 1.
Welcome, mga Kaibigan!
Ngayong Pasko, paano ka makapagpopokus sa mga regalong ibinibigay mo, hindi lamang sa mga nakukuha mo? May mga regalo ka bang maibibigay kay Jesus (pahina 20), isang regalong magagawa mo para sa iba (pahina 30), o isang bagay na magagawa mo para sa iyong pamilya (pahina 16)? Gaano man kaliit ang iyong regalo, makakatulong kang ibahagi ang pagmamahal ni Cristo sa pamamagitan ng pagbibigay.
Magpadala sa amin ng liham o email para ipaalam sa amin kung ano ang ginawa mo para makapagbigay sa Paskong ito. (Pumunta sa pabalat sa likod para makita kung paano.) Ang iyong mga kuwento at halimbawa ay isang regalo sa amin. Patuloy na ibahagi ang iyong liwanag!
Nagmamahal,
Ang Kaibigan