“Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Disyembre 2025, 22–23.
Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Disyembre 1–7: Doktrina at mga Tipan 137–138
Larong Pagsasadula ng Banal na Kasulatan
Nalaman ni propetang Joseph F. Smith na mahalagang pagnilayan ang mga banal na kasulatan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 138:1–11). Maglaro para matulungan kang matutuhan ang mga kuwento mula sa mga banal na kasulatan. Maghalinhinan sa tahimik na pagsasadula ng paboritong kuwento sa banal na kasulatan habang hinuhulaan ng lahat kung ano ito!
Disyembre 8–14: Ang mga Saligan ng Pananampalataya at Mga Opisyal na Pahayag 1 at& 2
Mga Saligan ng Larong Alaala ng Pananampalataya
Ang Mga Saligan ng Pananampalataya ay isinulat ni Joseph Smith para ipaliwanag ang ating pinaniniwalaan (tingnan sa Mga Saligan ng Pananampalataya 1:1–13). Makikita ninyo ang mga poster ng Mga Saligan ng Pananampalataya sa katapusan ng bawat isyu ng magasing Kaibigan sa taon na ito o online sa friend.ChurchofJesusChrist.org. Pumili ng isa na isasabit sa iyong dingding at magsanay na isaulo ito. Bakit ito mahalaga sa iyo?
Disyembre 15–21: Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo
Nativity ng Pamilya
Ang pamilya ay mahalagang bahagi ng plano ng Diyos (tingnan sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” Gospel Library). Noong isinilang si Jesucristo, mayroon Siyang pamilya na lubos na nagmamahal sa Kanya. Buuin ang Nativity ng pamilya! Mag-costume at sama-samang basahin ang kuwento ng Pasko mula sa Biblia (tingnan sa Lucas 2:1–20; Mateo 2:1–12).
Disyembre 22–28: Pasko
Mga Palamuting tungkol sa Patotoo
Ang “Ang Buhay na Cristo” ay isang patotoo mula sa mga propeta at apostol. Gumawa ng Pamaskong palamuti na tungkol sa patotoo! Gumupit ng bilog na papel. Lagyan ng dekorasyon ang isang panig para sa Pasko. Sa kabilang panig, isulat ang nalalaman at pinaniniwalaan mo tungkol kay Jesucristo. Pagkatapos ay isabit ito para maalala ang iyong patotoo.
Mga larawang kuha ni Christina Smith