“Pagsunod kay Jesus sa South Africa,” Kaibigan, Disyembre 2025, 10–11.
Pagsunod kay Jesus sa South Africa
Kilalanin sina Oreagile at Realeboga
Sinusunod ni Oreagile si Jesucristo sa pamamagitan ng paglilingkod sa kanyang mga kapatid sa Kapaskuhan. “Gustung-gusto kong tinutulungan si Inay na maghanda para sa tanghalian sa Pasko,” sabi niya. Gustung-gusto rin niyang nanonood ng mga pelikula tungkol kay Jesus para malaman pa ang tungkol sa Kanya.
Sinusunod ni Realeboga si Jesus sa pamamagitan ng paglilingkod sa kanyang ina at lolo. “Gustung-gusto kong tinutulungan si Inay na gumawa ng jelly at maglingkod sa lolo ko sa pamamagitan ng pagbisita sa kanya.” Gustung-gusto niya kapag nagkukuwento sa kanila ang kanyang lolo tungkol kay Jesucristo.
Tungkol kina Oreagile at Realeboga
Edad: kapwa edad 9
Mula sa: Gauteng, South Africa
Wika: Ingles
Mithiin: Nais ni Oreagile na maging manunulat o journalist. Gusto ni Realeboga na magpunta sa templo kapag nasa hustong gulang na siya.
Mga Libangan: Gustung-gusto ni Oreagile ang magsulat at magbasa. Gustung-gusto ni Realeboga ang maggantsilyo at magdrowing.
Pamilya: Oreagile at Realeboga, dalawang ate, isang kuya, at Inay
Mga Paborito nina Oreagile at Realeboga
Kuwento sa Banal na Kasulatan: Gustung-gusto ng dalawang batang babaeng ito nang pagalingin ni Jesucristo ang lalaking bulag.
Prutas: Gustung-gusto ni Oreagile ang mga ubas, at gustung-gusto ni Realeboga ang strawberries.
Pagkain: Gusto ni Realeboga ang lahat ng pagkain! Mahilig si Oreagile sa peppermint tart dessert ng kanyang ina.
Awitin sa Primary: Gustong-gusto ng dalawang batang babaeng ito ang “Palaging Sasamahan Ka” (Aklat ng mga Awit Pambata, 78).