“Ano ang Ginagawa Natin sa Templo?” Kaibigan, Oktubre 2025, 38–39.
Ano ang Ginagawa Natin sa Templo?
Bakit madalas banggitin ng mga propeta ang tungkol sa templo? Hindi lang ito isang magandang gusali. Ang templo ay banal na bahay ng Diyos. Sa loob, gumagawa tayo ng mga pangako sa Diyos at natatanggap ang Kanyang mga espesyal na pagpapala. Ganoon din ang ginagawa natin sa ating mga kapamilya na pumanaw na. Ang templo ay espesyal na lugar din kung saan madarama mo ang Espiritu Santo at makakatagpo ka ng kapayapaan at kagalakan.
Narito ang ilan sa mga mararanasan ninyo sa templo balang-araw!
Mga Pagbibinyag at Kumpirmasyon sa Templo
Itinuro ni Jesucristo na kailangan tayong mabinyagan para muling makapiling ang Diyos (tingnan sa Juan 3:5). Kung mamamatay ang isang tao nang hindi nabibinyagan, maaaring binyagan ang isang tao para sa kanila sa loob ng templo. Maaaring piliin ng taong namatay na tanggapin ang mga ordenansa, sumapi sa Simbahan ng Panginoon, at tanggapin ang Espiritu Santo. Maaari kang magsagawa ng mga binyag at kumpirmasyon sa templo sa taon na magiging 12 taong gulang ka.
Ang Endowment
Sa oras ng endowment, matututuhan mo ang tungkol sa plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Mangangako ka na susundin mo si Jesucristo at tutuparin ang Kanyang mga kautusan. Kapag nangangako ka sa Diyos, ipinapangako Niya sa iyo ang mga espesyal na pagpapala. Napakagandang regalo!
Ang Pagbubuklod
Sa pagbubuklod sa templo, ipinapangako sa mga pamilya na maaari silang magkasama magpakailanman. Kung susundin natin ang Diyos, maaari tayong mamuhay muli kasama ang ating pamilya pagkatapos nating mamatay.
Larawang-guhit ni Bryan Beach