2025
Mga Temple Card
Oktubre 2025


“Mga Temple Card,” Kaibigan, Oktubre 2025, 12.

Mga Temple Card

Manila Philippines Temple

  • Ito ang unang templo na itinayo sa Pilipinas at ang pangalawa sa Asia.

  • Nasa kabila ng kalye ang Philippines Missionary Training Center.

  • Bago ang paglalaan ng templo, nagkaroon ng dalawang bagyo, isang pagputok ng bulkan, at isang lindol! Pero ligtas ang templo.

Stockholm Sweden Temple

  • Ang templo na ito ay sarado ngayon para gawing halos doble ang laki nito.

  • Ito ang unang templong itinayo sa Scandinavia.

  • Sa panalangin ng paglalaan, nagdasal si Pangulong Gordon B. Hinckley na ang templo ay maging “ligtas na kanlungan mula sa mundo.”

Winnipeg Manitoba Temple

  • Ang opisyal na bulaklak ng Manitoba, ang prairie crocus, ay ginamit sa ilan sa mga disenyo.

  • Ang spire o tore ay gawa sa tanso.

  • Si Elder Gerrit W. Gong ang naglaan sa templong ito. Sabi niya, “Makikita ninyo ang Tagapagligtas sa gitna ng lahat ng bagay na may kaugnayan sa templo.”

Pahina ng PDF na may mga paglalarawan ng mga templo

Mga larawang-guhit ni Rachel Erickson