2025
Ang Aking mga Salita Tungkol sa Ebanghelyo
Oktubre 2025


“Ang Aking mga Salita Tungkol sa Ebanghelyo,” Kaibigan, Oktubre 2025, 6.

Ang Aking mga Salita Tungkol sa Ebanghelyo

Hanapin ang mga salita at pariralang ito sa isyung ito ng Kaibigan!

Kabanalan

Ang ibig sabihin ng kabanalan ay pagiging banal o sagrado. Nagsisikap tayo para sa kabanalan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kautusan at pagtupad sa mga tipan (o mga pangako) na ginagawa natin sa Diyos. Ang mga salitang “Kabanalan sa Panginoon—ang Bahay ng Panginoon” ay nasa pasukan ng bawat templo.

Pagbubuklod

Ang ibig sabihin ng salitang pagbubuklod ay pagsasama ng isang lalaki at isang babae at ng kanilang mga anak para sa kawalang-hanggan. Nangangahulugan ito na maaari silang magkasama magpakailanman sa langit balang-araw. Ang pagbubuklod ay isang ordenansa na nagaganap sa templo.

Mga Pagbibinyag para sa mga Patay

Maraming tao ang namatay nang hindi nalaman ang tungkol kay Jesucristo at hindi nabinyagan sa Kanyang Simbahan. Kapag nagsasagawa tayo ng mga binyag para sa mga patay sa loob ng templo, nagsusuot tayo ng puting damit tulad noong bininyagan tayo. Pero sa halip na binyagan para sa ating sarili, tayo ay binibinyagan sa ngalan ng isang taong namatay na. Ang pangalan ng taong iyon ay babanggitin sa panalangin ng binyag, at magkakaroon siya ng pagkakataong tanggapin ang pagpapala ng binyag.

Tunay na Identidad

Ang ating tunay na identidad o pagkatao ay ang kung sino talaga tayo. Tayong lahat ay minamahal na mga anak ng ating mga magulang sa langit. Sa pagsunod sa plano ng Diyos, matututo tayo, uunlad, at magiging katulad ng ating Tagapagligtas na si Jesucristo.

PDF ng pahina

Mga larawang-guhit ni Madison Baker