2025
Naglakbay si Jane Manning Papunta sa Nauvoo
Oktubre 2025


“Naglakbay si Jane Manning Papunta sa Nauvoo,” Kaibigan, Oktubre 2025, 26–28.

Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Naglakbay si Jane Manning Papunta sa Nauvoo

Isang lalaki na nagbibinyag kay Jane Manning sa isang panlabas na setting

Sa lugar kung saan nakatira noon si Jane Manning, may mga taong hindi maganda ang pakikitungo sa kanya dahil sa kulay ng kanyang balat. Isang araw, narinig niya ang pagtuturo ng isang missionary. Kalaunan, nabinyagan siya.

Si Jane at ang kanyang pamilya na nakatayo sa dalampasigan malapit sa isang bangka

Bininyagan din ang pamilya ni Jane. Nais nilang lahat na makasama ang mga Banal sa Nauvoo. Kaya nagsimula silang maglakbay.

Si Jane at ang kanyang pamilya na may dalang mga bag at pinanonood ang isang bangka na pababa sa ilog

Nais ng pamilya ni Jane na maglakbay sakay ng bangka bilang bahagi ng paglalakbay, pero wala silang sapat na pera. Kaya kinailangan nilang maglakad ng 800 milya (1,300 km).

Si Jane at ang kanyang pamilya na naglalakad na suot ang lumang sapatos at maputik na damit

Kinailangan nilang tumawid sa isang malalim na batis at matulog sa labas kahit maginaw. Pero determinado silang makarating sa Nauvoo. Pinasaya nila ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagkanta habang naglalakad.

Si Jane na nilalagyan ng benda ang paa ng isang lalaki

Patuloy na naglakad si Jane at ang kanyang pamilya hanggang sa mapudpod ang kanilang mga sapatos at sumakit ang kanilang mga paa. Pero nang manalangin sila sa Diyos para humingi ng tulong, pinagaling Niya ang kanilang mga paa.

Isang grupo ng mga tao na nanonood kay Jane kasama ang isang babae na may hawak na isang batang may sakit

Tinulungan nila ang mga taong nakilala nila sa kanilang paglalakbay. Tumulong din sila sa pagpapagaling ng isang batang may sakit dahil sa kanilang pananampalataya.

Niyakap ni Jane si Emma Smith habang nakangiti si Joseph Smith

Sa wakas, nakarating din si Jane at ang kanyang pamilya sa Nauvoo! Nang marinig ni Joseph ang lahat ng pinagdaanan nila, sinabi niya kay Jane, “Pagpalain ka ng Diyos. Kayo ay nasa piling ngayon ng inyong mga kaibigan.”