“Hello mula sa Finland!” Kaibigan, Oktubre 2025, 8–9.
Hello mula sa Finland!
Ang Finland ay isang bansa sa Hilagang Europa. Mahigit 5.5 milyong tao ang naninirahan doon! Ang mga opisyal na wika ay Finnish at Swedish.
Makukulay na Liwanag
Sa hilagang Finland, maaari mong makita ang magagandang liwanag sa kalangitan na tinatawag na aurora borealis, o ang northern lights [liwanag sa hilaga].
Swamp Soccer
Ang swamp soccer ay nagsimula sa Finland at isang tanyag na isport doon. Ang laro ay nilalaro sa isang putikan, kaya ang pagiging marumi ay bahagi ng kasiyahan!
Monumento ng Museo
Ang Finland ay may ilang kamangha-manghang mga kastilyo. Ang Turku Castle ay mahigit 700 taong gulang na. Sa ngayon, ito ay isang museo na binibisita ng maraming tao.
Lupain ng Isang Libong Lawa
Ang distritong Lakeland sa Finland ay may halos 188,000 mga lawa. Ang Lake Saimaa ang pinakamalaking lawa sa Finland.
Napakagandang Wildlife
Ang mga reindeer, oso, lobo, at seal ay ilan lamang sa mga hayop na naninirahan sa Finland.
Mga larawang-guhit ni Greg Paprocki