2025
Pagsunod kay Jesus sa Finland
Oktubre 2025


“Pagsunod kay Jesus sa Finland,” Kaibigan, Oktubre 2025, 10–11.

Pagsunod kay Jesus sa Finland

Kilalanin sina Viljami at Eino

Dalawang batang nakangiti na nakasuot ng damit na para sa malamig na panahon

Sinusunod ni Viljami si Jesucristo sa pamamagitan ng pagdarasal at pagpunta sa bakuran ng templo. Sinusunod Siya ni Eino sa pamamagitan ng pagiging mabait sa kanyang mga kapatid. “Kapag sinusunod ko si Jesus, maganda ang pakiramdam ko,” sabi ni Eino.

Sina Viljami at Eino ay sumusunod din kay Jesus sa pamamagitan ng pagpunta sa simbahan kasama ang kanilang mga magulang. Upang makarating sa simbahan, naglalakad sila at sumasakay ng bus. Ang Finland ay maaaring talagang malamig, kaya nagsusuot sila ng makapal na damit kapag nagsisimba sila sa taglamig!

Isang pamilya na naghihintay ng bus sa niyebe, at dalawang batang lalaki na nakasakay sa sled sa niyebe

Tungkol kina Viljami at Eino

Edad: Si Viljami ay 7 at si Eino ay 5

Mula sa: Pirkanmaa, Finland

Wika: Finnish

Mga Mithiin: Nais ni Viljami na matutong gumamit ng mga makinang de-kuryente. Gusto ni Eino na mag-swimming sa tag-init at matuto ng parkour.

Mga libangan: Gustung-gusto ni Viljami ang paglalaro ng football, at si Eino ay mahilig sa badminton at swimming.

Pamilya: Viljami, Eino, Nanay, Tatay, kapatid na babae

Isang pamilya na naglalaro at gumugugol ng oras na magkasama

Mga Paborito nina Viljami at Eino

Kuwento sa mga Banal na Kasulatan: Gusto ni Viljami nang binyagan si Jesucristo, at gusto ni Eino ang Kanyang pagsilang.

Tradisyon ng Pamilya: Gustung-gusto ni Eino kapag nagluluto ng tortilla ang kanyang pamilya tuwing Linggo.

Pagkain mula sa Finland: Gustung-gusto ni Viljami ang isda at karjalanpaisti (tradisyonal na sinabawang karne).

Mga Prutas at Gulay: Gustung-gusto ni Viljami ang mandarin oranges at mga pipino, at gusto ni Eino ang mga strawberry, raspberry, at pipino.

Mga Kulay: Gusto ni Viljami ang lahat ng kulay maliban sa brown, at gusto ni Eino ang rainbow o bahaghari.

Awitin sa Primary: Gusto ni Eino ang “Ang Tatay Ko” (Children’s Songbook, 111).

Dalawang batang lalaki na naglalakad sa niyebe kasama ang kanilang ama, at ang kanilang ina ay nagtutulak ng stroller
PDF ng pahina