“Welcome, mga Kaibigan!” Kaibigan, Oktubre 2025, 1.
Welcome, mga Kaibigan!
Gusto mo bang nakikita ang templo? Kami rin! Magagandang gusali ang mga ito, sa loob at labas. Pero higit sa lahat, ang mga ito ay mga banal na lugar kung saan tayo nakikipagtipan sa Diyos.
Maaari kayong matuto ng iba pa tungkol sa mga templo sa mga pahina 46, at 38. Gumawa ng ilang temple art sa pahina 13 para tulungan kang maalaala kung gaano kaespesyal ang mga ito.
At kung naghahanda ka nang pumunta sa templo sa susunod na taon, basahin kung paano rin naghanda si Azahara sa kanyang pagpunta sa templo (pahina 40). Umaasa kami na hindi magtatagal ay makakapasok kayong lahat!
Nagmamahal,
Ang Kaibigan