“Para sa Mas Nakatatandang mga Bata,” Kaibigan, Oktubre 2025, 34–35.
Para sa Mas Nakatatandang mga Bata
Mga Salita mula sa Iyo
Tinulungan ako ng Ama sa Langit nang maoperahan ako sa mata. Nanalangin ako at nakatanggap ako ng kapayapaan at kapanatagan.
Onyango L., edad 10, Central Region, Uganda
Ang ADHD ay isang kondisyon sa pag-iisip na dahilan para maiba ang paraan ng pag-iisip ko kaysa sa ibang tao. Sa isang silid-aralan, karaniwan akong nagdodrowing para matulungan akong magpokus sa mga bagay-bagay. Sa sacrament meeting, iniisip ko kung paano namatay si Jesus para sa atin. Ganyan ko dinadala ang ADHD.
Natalie C., edad 9, Utah, USA
Gumawa ng Eroplanong Papel
Itupi ang isang eroplanong papel para sa aktibidad sa pahina 23!
-
Tiklupin ang isang papel sa gitna nang pahaba, pagkatapos ay buklatin ito.
-
Ngayon itupi ang dalawang sulok sa itaas hanggang sa gitnang hati.
-
Kunin ang mga gilid ng bagong tatsulok at itupi muli sa gitnang hati.
-
Itupi ang papel sa kalahati sa gitnang hati.
-
Pagkatapos ay itupi ang bawat panig pababa para gawing mga pakpak.
-
Ihagis ito nang bahagya at panoorin itong lumipad!
Templo’y Ibig Makita
Ano ang magiging hitsura ng templong ito mula sa itaas? Hanapin ang tamang larawan sa ibaba.
Tagu-taguan
Hanapin ang sumusunod na bilang ng mga item sa larawan sa itaas.
-
1 kabayo
-
2 martilyo
-
3 watawat
-
4 Aklat ni Mormon
-
5 gulong ng bagon
-
6 na aso
Mga larawang-guhit ni Jeff Harvey