“Ang Kapangyarihan ng mga Tipan,” Kaibigan, Oktubre 2025, 2–3.
Mula sa Unang Panguluhan
Mga Saranggola at mga Tipan
Hango mula sa “Pagsunod kay Cristo,” Liahona, Nob. 2024, 23–26.
Isang mag-ama ang nagpapalipad ng saranggola sa isang mahangin na araw. Habang tumataas ang lipad ng saranggola, nakatali ito sa pisi na nasa kamay ng munting batang lalaki. Inakala ng bata na puwede nilang gupitin ang pisi para makalipad nang mas mataas ang saranggola.
Sinabi ng kanyang matalinong ama na hindi puwedeng gawin ito. Sinabi niya na ang pisi ang humahawak sa saranggola. Kapag nabitawan natin ang pisi, ang saranggola ay hindi makakalipad nang mas mataas. Tatangayin ito ng hangin at babagsak ito sa lupa.
Ang tali ay katulad ng mga tipan, o pangako, na nag-uugnay sa atin sa Ama sa Langit at sa Kanyang Anak na si Jesucristo. Iginagalang natin ang mga tipang iyon sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kautusan at pagsunod sa Kanilang plano para sa atin. Kapag ginagawa natin ito, ang Kanilang mga ipinangakong pagpapala ay makatutulong sa atin na makalipad sa makalangit na kaitaasan.
Magdrowing ng mga Pisi ng Saranggola
Inuugnay tayo ng mga tipan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Basahin ang bawat banal na kasulatan para malaman ang tungkol sa iba’t ibang tipan. Pagkatapos ay gumuhit ng linya mula sa banal na kasulatan papunta sa katugmang larawan para gumawa ng pisi para sa bawat saranggola!
Mga larawang-guhit ni Melissa Manwill Kashiwagi