2025
Mga Bagay na Paboritong Makita ni Sam
Oktubre 2025


“Mga Bagay na Paboritong Makita ni Sam,” Kaibigan, Oktubre 2025, 44–45.

Madaling Basahin

Mga Bagay na Paboritong Makita ni Sam

Isang tunay na kuwento mula sa USA.

Batang lalaki na nakatingin sa bintana ng kotse sa isang bukid
  1. Gustung-gusto ni Sam na sumakay kasama si Inay sa kotse. Tumitingin siya sa bintana. Napakaraming bagay na dapat makita!

    Isang semitruck sa kalsada, at isang traktor sa bukid na may dalawang baka
  2. Gustung-gusto ni Sam na nakikita ang mga trak. Gustung-gusto niyang nakikita ang mga traktora.

    Mga puting ulap sa asul na kalangitan, isang puno na may berdeng mga dahon, at isang puno na may kulay rosas na mga bulaklak
  3. Gustung-gusto ni Sam na makita ang mga ulap. Gustung-gusto niyang makita ang mga puno.

    Isang pampasaherong tren sa riles na may mga ibon na lumilipad sa itaas
  4. Gustung-gusto ni Sam na makita ang mga ibon. Gustung-gusto niyang makita ang mga tren.

    Isang templo
  5. Pero ano ang pinakagusto niyang makita? Gustung-gusto niyang makita ang templo!

    Batang lalaki na nakatingin sa bintana ng kotse sa isang templo
  6. Kapag nakikita ni Sam ang templo, nagiging masaya siya. Alam niya na ang templo ay bahay ng Panginoon.

    Isang batang lalaki at ang kanyang mga magulang na naglalakad sa bakuran ng templo
  7. Alam ni Sam na mahal siya ng Ama sa Langit at mahal siya ni Jesus, at mahal din niya Sila. Nasasabik na siyang pumasok sa templo balang-araw!

PDF ng pahina

Mga larawang-guhit ni Rosie Butcher