“Susundin Ko si Jesucristo Ngayon,” Kaibigan, Oktubre 2025, 19.
Musika
Susundin Ko si Jesucristo Ngayon
Masigla
1. Susundin ko palagi si Jesus.
S’ya’y aking tutularan nang lubos.
Ang Kanyang tanglaw ay matatanaw
Sa pagdarasal araw-araw.
2. Kaya kong magpitagan kailanman.
At habambuhay S’yang paglingkuran.
Ang Ama natin, aking susundin.
At mga tao’y mamahalin.
3. Kaya kong magpatotoo t’wina.
Susundan ko ang halimbawa N’ya.
Ang ebanghelyo ay ituturo
Sa lahat ng kaibigan ko.