“Templo na Gawa sa Papel,” Kaibigan, Oktubre 2025, 13.
Masasayang Bagay
Templo na Gawa sa Papel
Ang templo ang bahay ng Panginoon (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 109:12–13). Sa loob ng templo, madarama nating malapit tayo sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at natututo pa tayo ng tungkol sa Kanya. Maaari na kayong maghanda ngayon na pumunta sa templo at gumawa ng mga sagradong tipan!
-
Bakatin ang hugis ng templo sa ibaba sa blangkong papel (o maghanap ng isa pang larawan ng templo na babakatin).
-
Punitin ang mga papel sa maliliit na piraso. Idikit ang mga ito sa loob ng outline ng templo. Gumamit ng puti o kulay-abo na papel para sa templo at ng colored paper para makagawa ng mga bulaklak, puno, at fountain.
-
Ilagay ang iyong temple art sa isang lugar na makikita mo ito araw-araw upang ipaalala sa iyo ang templo!
Mga larawang-guhit ni Jared Beckstrand