2025
Para sa Mas Nakatatandang mga Bata
Marso 2025


“Para sa Mas Nakatatandang mga Bata,” Kaibigan, Marso 2025, 34–35.

Para sa Mas Nakatatandang mga Bata

Mga Salita mula sa Iyo

Mayroon akong isang sipi mula kay Pangulong Susan H. Porter sa aking dingding. Sabi roon, “Ang ating buhay ay sagrado at may kahulugan at layunin. Bawat isa sa atin ay minamahal na anak [na babae o lalaki] ng Diyos.”* Alam ko na nagmamalasakit ang Ama sa Langit at si Jesucristo sa bawat isa sa atin.

Ava B., edad 10, Arizona, USA

Isang araw niyaya ako ng isang kaibigan na maglaro ng football. Isinusuot ko na ang aking damit na panlaro nang maalala ko na Linggo pala! Sa halip ay nagbihis ako ng damit pansimba at nagsimba ako. Napakasaya ko.

Adrián E., edad 11, Beni Department, Bolivia

Nahanap Ko si Oliver

Tinulungan ni Oliver Cowdery si Joseph Smith sa pagsasalin ng Aklat ni Mormon. Nagkakilala sila sa Harmony, Pennsylvania, USA. Mahahanap mo ba si Oliver sa mataong kalyeng ito?

Mga Papuri at Koneksyon

Gumamit ng dalawang magkaibang kulay at maghalinhinan sa pagguhit ng pahalang o patayong linya sa pagitan ng dalawang tuldok. Kapag gumuhit ka ng isang linya na nakabuo ng isang kahon, kulayan ang iyong kahon. Magpatuloy hanggang sa makonekta ang lahat ng tuldok!

Ngayon ay bilangin ang mga parisukat na may kulay mo. Magsabi ng isang magandang bagay tungkol sa isang tao para sa bawat mabilang mo!

Pioneer Puzzle

Mahuhulaan mo ba kung para saan ginamit ang mga bagay na ito noong panahon ng mga naunang pioneer?

  1. pagdurog ng mga mani

  2. paggawa ng mantikilya

  3. paggawa ng milkshake

  4. pagsusuot ng sapatos

  5. pagkatam ng kahoy

  6. paghawak ng cell phone

PDF ng pahina na may mga sipi at aktibidad

Mga larawang-guhit ni Brian Michael Weaver

  • “Mga Aral sa May Balon,” Liahona, Mayo 2022, 59–60.