“Pagsunod kay Jesus sa Madagascar,” Kaibigan, Marso 2025, 10–11.
Pagsunod kay Jesus sa Madagascar
Kilalanin si Lauren
Sinusunod ni Lauren si Jesucristo sa pamamagitan ng pagiging mabuting halimbawa at pagsunod sa mga kautusan ng Diyos. Minsan nahirapan siya sa social studies class niya. Kahit mahirap itong pag-aralan, sinabi niya, “Nagdasal po ako sa Diyos, at binigyan Niya ako ng kaalaman para maunawaan ito.”
Nagpapasaya sa kanya ang pagtulong sa iba. Sabi niya, “Natutuwa po ako dahil natutularan ko ang halimbawa ni Cristo nang tulungan Niya ang iba.”
Tungkol kay Lauren
Edad: 9
Mula sa: Sofia Region, Madagascar
Mga wika: Malagasy at French
Mithiin: Maging piloto dahil gustung-gusto niya ang paglipad
Mga Libangan: Paglalaro ng soccer, paglalaro ng mga game kasama ang pamilya, at pagbabasa ng mga aklat
Pamilya: Lauren, Itay, at ang apat na kapatid
Ang Kanyang mga Paborito
Kuwento sa Banal na Kasulatan: Ang paboritong talata ni Lauren tungkol kay Jesucristo ay ang kuwento ng Kanyang pagsilang (tingnan sa Mateo 1:18–25; 2; Lucas 1:26–38; 2:1–20) dahil sinasabi nito sa atin na ang ating Tagapagligtas ay isinilang para iligtas tayo.
Prutas at gulay: Mansanas at kalabasa
Pagkain: Pizza
Kulay: Pink
Awitin sa Primary: “Sa Aking Pagkabinyag” (Aklat ng mga Awit Pambata, 53)