2025
Kapayapaan mula sa Templo
Marso 2025


“Kapayapaan mula sa Templo,” Kaibigan, Mar. 2025, 2–3.

Mula sa Unang Panguluhan

Kapayapaan mula sa Templo

Hango sa “Magiging Maayos ang Lahat Dahil sa mga Tipan sa Templo,” Liahona, Mayo 2024, 24–27.

Kotseng papunta sa templo

Ilang taon na ang nakararaan, nagbiyahe kaming mag-asawa para bisitahin ang Idaho Falls Idaho Temple. Nanatili sa bahay ang apat naming musmos na mga anak na lalaki sa pangangalaga ng isang babysitter.

Nang handa na kaming umuwi, sinabi sa amin ng isa sa mga temple worker na gumuho ang Teton Dam sa silangang Idaho! Halos buong lungsod namin ay lubog sa tubig.

Lumuhod kaming mag-asawa at nanalangin sa Ama sa Langit para sa kaligtasan ng aming mga anak at ng libu-libong mga taong naapektuhan ng baha. Malinaw na dumating sa aking puso’t isipan ang mga salitang ito: “Anuman ang mangyari, magiging maayos ang lahat dahil sa templo.” Nagpasalamat kami kalaunan nang malaman namin na ligtas ang aming mga anak.

Wala nang mas mahalaga pa sa pagtupad sa mga tipang ginawa o gagawin ninyo sa templo. Anuman ang mangyari, magiging maayos ang lahat dahil sa mga tipan sa templo.

Temple Maze

Ang templo ay maaaring maghatid sa atin ng kapayapaan sa mahihirap na panahon. Sundan ang maze hanggang sa tuktok ng Idaho Falls Idaho Temple!

Maze na kahugis ng templo

Mga larawang-guhit ni Alyssa Tallent