“Mga Temple Card,” Kaibigan, Marso 2025, 12.
Mga Temple Card
Salt Lake Temple
-
Itinayo ng mga pioneer ang templong ito gamit ang granite mula sa kalapit na canyon. Ang ilang bato ay may timbang na 5,600 libra (2,540 kg)!
-
Inabot ng 40 taon bago ito natapos.
-
Limang artist ang tinawag sa misyon para mag-aral ng sining sa France. Kalaunan, nagpinta sila ng mga mural sa loob ng templo.
Cape Town South Africa Temple
-
Ito ang magiging pangatlong templo sa South Africa.
-
Dumating ang mga missionary sa lugar noong 1852. Ngayon ang South Africa ay may halos 70,000 mga miyembro ng Simbahan.
-
Ang pinakamalapit na templo ay mga 795 milya (1,280 km) ang layo, sa Durban.
Lima Peru Temple
-
Ang templong ito ay may anim na spire. Ang pinakamataas ay 112 talampakan (34 m).
-
Ang ilang miyembro ay nagbiyahe sakay ng bus sa loob ng 26 na oras para sa paglalaan.
-
Nang ilaan ang Lima Peru Los Olivos Temple, ang Lima ang naging unang lungsod sa labas ng USA na may dalawang templo.
Mga larawang-guhit ni Rachel Erickson