2025
Alamin ang Tungkol sa mga Laminang Ginto!
Marso 2025


“Alamin ang Tungkol sa mga Laminang Ginto!,” Kaibigan, Marso 2025, 24–25.

Alamin ang Tungkol sa mga Laminang Ginto!

Sundan ang timeline para makita kung paano natin natanggap ang Aklat ni Mormon.

  • ~AD 421

  • Tinatakan at itinago ng propeta sa Aklat ni Mormon na si Moroni ang mga laminang ginto. Ang mga lamina ay nagtuturo ng tungkol kay Jesucristo. Nakasaad din sa mga ito ang kasaysayan ng mga tao ni Moroni.

  • 1823

  • Bilang isang anghel, dinalaw ni Moroni si Joseph Smith. Sinabi sa kanya ni Moroni na nakabaon ang mga laminang ginto sa kalapit na Burol Cumorah.

  • 1827

  • Matapos maghanda si Joseph sa loob ng apat na taon, nagtiwala ang Panginoon na ipauwi sa kanya ang mga lamina.

  • 1828

  • Isinalin ni Joseph ang mga lamina sa pamamagitan ng pakikinig na mabuti sa Espiritu Santo. Gumamit din siya ng mga espesyal na kasangkapan mula sa Diyos. Gumamit siya ng isang bato na tinatawag na bato ng tagakita at ng mga kasangkapang tinatawag na mga interpreter o ang Urim at Tummim na nakabaon kasama ng mga lamina.

  • 1829

  • Tinulungan ng Ama sa Langit si Joseph na maunawaan ang nakasaad sa mga lamina. Tumulong si Oliver Cowdery na isulat ang isinalin ni Joseph.

  • Hindi bababa sa labindalawang tao ang nakakita sa mga laminang ginto. Ang isa sa kanila ay si Mary Whitmer. Mababasa mo sa harapang pahina ng Aklat ni Mormon ang patotoo ng iba pang mga saksi. Wala ni isa sa mga taong ito ang nagkaila kailanman sa kanilang naranasan.

  • 1830

  • Ang unang kopya ng pagsasalin ng Aklat ni Mormon sa Ingles ay inilimbag sa Palmyra, New York, USA.

  • Sa Kasalukuyang Panahon

  • Ang Aklat ni Mormon ngayon ay binabasa sa buong mundo! Isinalin ito sa 115 mga wika. Ibinabahagi ng mga missionary ang Aklat ni Mormon sa lahat hangga’t kaya nila.

Timeline na may mga larawang-guhit tungkol kay Joseph Smith at sa mga laminang ginto

Mga larawang-guhit ni Alyssa Petersen