“Pag-iinat na Parang Puno,” Kaibigan, Marso 2025, 32.
Kumilos na Tayo
Pag-iinat na Parang Puno
-
Tumayo nang magkadikit ang mga paa mo at nakaunat ang iyong mga braso.
-
Pumikit at itaas nang husto ang iyong mga braso. Isipin na ang mga ito ay mga sanga ng puno at ang iyong mga daliri ay mga dahon!
-
Ngayon mag-inat nang marahan sa magkabilang gilid. Pabalik-balik na iwagayway ang iyong mga braso na parang hanging umiihip sa pagitan ng mga sanga.
-
Huminga nang malalim papasok at palabas. Ngayon ibaba nang dahan-dahan ang iyong mga braso sa iyong tagiliran. Ano ang pakiramdam mo?
Larawang-guhit ni Alexandra Colombo