“Ipinanumbalik ang Priesthood,” Kaibigan, Marso 2025, 26–28.
Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ipinanumbalik ang Priesthood
Mababasa mo ang kuwentong ito sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:66–73 at Doktrina at mga Tipan 27:12.
Matapos matanggap ni Joseph Smith ang mga laminang ginto, sinimulan niyang isalin ang mga iyon. Isinulat ni Oliver Cowdery ang mga sinabi niya. Habang gumagawa sila, nalaman nila na nais ni Jesucristo na mabinyagan ang lahat.
Nag-isip sina Joseph at Oliver kung sino ang may taglay ng kapangyarihan ng Diyos para binyagan ang mga tao. Nagpunta sila sa kakahuyan para manalangin at magtanong sa Diyos.
Habang nagdarasal sila, nagpakita ang isang anghel. Sinabi niya na siya si Juan Bautista, na nagbinyag kay Jesucristo noong araw. Ibinigay niya kina Joseph at Oliver ang Aaronic Priesthood upang mabinyagan nila ang iba. Ang priesthood ay kapangyarihan ng Diyos. Ginagamit ito upang basbasan ang mga anak ng Diyos.
Sinabi ni Juan Bautista kina Joseph at Oliver na magpabinyag. Nagpunta sila sa isang ilog at bininyagan nila ang isa’t isa. Nang umahon sila mula sa tubig, napuspos sila ng Espiritu Santo. Masayang-masaya sila!
Kalaunan, dumating ang iba pang mga anghel. Tatlo sa mga Apostol ni Jesucristo—sina Pedro, Santiago, at Juan—ang nagbigay kina Joseph at Oliver ng Melchizedek Priesthood. Ngayon ay maaari nang ibigay nina Joseph at Oliver ang kaloob na Espiritu Santo sa iba.