“Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Marso 2025, 22–23.
Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Pebrero 24–Marso 2: Doktrina at mga Tipan 18
Idrowing ang Sarili
“Ang kahalagahan ng mga kaluluwa ay dakila sa paningin ng Diyos” (Doktrina at mga Tipan 18:10). Nangangahulugan iyan na lahat ay mahalaga sa Ama sa Langit, pati ikaw! Idrowing ang sarili mo. Subukang palamutian ito ng iba’t ibang art supplies! Sa itaas, isulat ang “Mahal Ako ng Diyos.”
Marso 3–9: Doktrina at mga Tipan 19
Mga Taingang Nakikinig
Iniutos ni Jesucristo na makinig tayo sa Kanya (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 19:23). Naaalala ng mabubuting tagapakinig ang mga naririnig nila. Umupo kayong lahat nang pabilog. Bubulong ang isang tao ng isang salita ng ebanghelyo. Uulitin ito ng kasunod na tao at magdaragdag ng isang bagong salita. Paikutin ito sa bilog hanggang sa lahat ay makapagdagdag ng isang salitang dapat tandaan!
Marso 10–16: Doktrina at mga Tipan 20–22
Tore ng Pagpapanumbalik
Ipinanumbalik ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan ngayon na katulad noong narito Siya sa lupa (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 20). Sulatan ang mga plastic cup ng mga pagpapalang natanggap natin bilang bahagi ng Simbahan ni Jesucristo, tulad ng priesthood, binyag, mga propeta. Pagkatapos ay pagpatung-patungin ang mga plastic cup mo hanggang sa maging mataas na tore!
Marso 17–23: Doktrina at mga Tipan 23–26
Mga Awitin ng Puso
Gustung-gusto ng Ama sa Langit kapag kumakanta tayo mula sa ating puso (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 25:12). Pumili ng ilang awitin sa Primary na sama-samang kakantahin. Mag-isip ng mga aksiyong maisasabay sa mga titik.
Marso 24–30: Doktrina at mga Tipan 27–28
Sabi ng Propeta
Tumatanggap ng paghahayag ang propeta mula sa Ama sa Langit at kay Jesucristo para sa Simbahan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 28:7). Mag-print o magdrowing ng isang larawan ng propeta. Sa itaas, isulat ang “Sabi ng propeta …” Isulat o idrowing ang mga bagay na naituro sa atin ng ating propeta.
Mga larawang kuha ni Christina Smith