2025
Mga Salita Ko sa Ebanghelyo
Marso 2025


“Mga Salita Ko sa Ebanghelyo,” Kaibigan, Marso 2025, 6.

Mga Salita Ko sa Ebanghelyo

Hanapin ang mga salita at pariralang ito sa isyung ito ng Kaibigan!

Ordenansa

Mga sacrament tray na may tinapay at tubig

Ang ordenansa ay isang sagrado, o banal, na gawaing ginagawa nang may awtoridad ng priesthood sa pangalan ni Jesucristo. Ang ilang halimbawa nito ay ang sakramento, binyag, at kumpirmasyon.

Kapatawaran ng mga Kasalanan

Kapag nagsisi tayo at tumanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan, pinatatawad tayo sa mga maling nagawa natin. Posible ito dahil kay Jesucristo.

Maamo

Ang maging maamo ay maging mapagpakumbaba, mahinahon, handa, at masunurin. Ipinakita ni Jesucristo ang halimbawa nito noong narito Siya sa lupa.

Mga Banal

Isang grupo ng iba’t ibang mga tao na nakasuot ng damit pangsimba

Sa Bagong Tipan, ang mga banal ay lahat ng mga tao na piniling magpabinyag at sumapi sa Simbahan ni Jesucristo (tingnan sa Mga Gawa 9:13). Ang mga salita ring iyon ang ginagamit natin para sa mga taong pinipiling magpabinyag sa Kanyang Simbahan ngayon. Ang isang banal ay isang taong sumusunod kay Jesucristo.

PDF ng pahina

Mga larawang-guhit ni Madison Baker