2025
Tulong mula sa Langit
Marso 2025


“Tulong mula sa Langit,” Kaibigan, Marso 2025, 20–21.

Tulong mula sa Langit

Hango sa “Gusto ba Ninyong Lumigaya?” Liahona, Nob. 2023, 46–48.

Tinawag akong maging bishop sa isang panahon na mahirap ang buhay ko. Isa akong bata pang ama na may pamilya, at hirap kami sa pera. Pagod na ako. Hirap din ang asawa ko.

Isang araw ng Linggo ay tumanggap ng sakramento ang mahal kong asawa. Tinulungan siya ng Espiritu na matanto ang isang bagay. Nalutas ang marami sa mga problemang naranasan namin habang ginagampanan ko ang aking tungkulin.

Alam ng Panginoon ang ating mga pangangailangan. Kapag hinilingan Niya tayong maglingkod, alam Niya kung ano ang pinaka-makatutulong sa atin. Nais Niya tayong pagpalain. At ibibigay Niya sa atin ang mga pagpapalang ito kapag tapat tayong naglingkod sa Kanya.

Gusto ba ninyong lumigaya? Manatili sa landas ng tipan. Inaanyayahan tayo ng ating Tagapagligtas na lumapit sa Kanya. Pinapasan Niya ang ating mga pasanin. Mas pinadadali at pinasasaya ni Jesucristo ang ating buhay. At pinupuspos Niya tayo ng kagalakan.

Oras ng Interbyu!

Itanong sa isang miyembro ng pamilya kung paano siya napagpala ng Ama sa Langit. Narito ang ilang tanong para makapagsimula ka:

  • Maaari mo bang ikuwento sa akin ang isang pagkakataon na pinagpala ng Ama sa Langit ang ating pamilya?

  • Paano mo gustong tulungan ang iba? Anong mga pagpapala ang nakita mo nang maglingkod ka sa iba?

  • Bakit mo sinusunod si Jesucristo? Paano nagpasaya sa iyo ang pagsunod sa Kanya?

Larawan ng notebook

Mga larawang-guhit ni Turine Tran