2025
Hello mula sa Madagascar
Marso 2025


“Hello mula sa Madagascar!” Kaibigan, Marso 2025, 8–9.

Hello mula sa Madagascar!

Ang Madagascar ay isang bansa sa silangang baybayin ng katimugang Africa. Mga 30 milyong tao ang naninirahan doon. Ang mga opisyal na wika nila ay Malagasy at French.

Napapaligiran ng Tubig

Ang Madagascar ang ikaapat na pinakamalaking pulo sa buong mundo.

Mga Stone Formation

Ang Tsingy de Bemahara National Park ay may kagubatan ng mga bato o stone forest na gawa sa limestone. Ang ilan sa mga formation ay 328 talampakan (100 m) ang taas!

Paggawa ng Vanilla

Ang Madagascar ay nagtatanim ng vanilla na ibinebenta sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang bansa ay gumagawa ng mga 3,300 tonelada (3,000 metric tons) ng vanilla kada taon!

Ang Punong Baobab

Ang baobab ang pambansang puno ng Madagascar at maaaring mabuhay nang mahigit 1,000 taon. Ang puno ng baobab ay naglalaan sa mga tao ng prutas na makakain, balat ng puno na ginagawang lubid, at silungan mula sa araw.

Mga Espesyal na Hayop

Maraming iba’t ibang uri ng mga lemur. Lahat ng ito ay nagmumula sa Madagascar.

Ang isa pang hayop na mula sa bansang ito ay ang zebu, na isang uri ng baka na ginagamit ng mga tao sa pagsasaka, gatas, at paglalakbay.

PDF ng pahina na may maliit na mapa ng Africa at mga imahe ng mga punong baobab, mga rock formation, mga halamang vanilla, isang lemur, at isang zebu