“Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Oktubre 2025, 22–23.
Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Setyembre 29–Oktubre 5: Doktrina at mga Tipan 109–110
Mga Temple Card
Sa tuwing may itinatayong templo, isang espesyal na panalangin ang binibigkas para ilaan, o i-set apart, ang templo sa Diyos (tulad ng sa Doktrina at mga Tipan 109). Marami ka pang matututuhan tungkol sa mga templo sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga temple card sa pahina 12. Gumawa ng sarili mong temple card tungkol sa templo na pinakamalapit sa iyo! O pumunta sa pahina 13 para lumikha ng templo gamit ang mga pinunit na papel.
Oktubre 6–12: Doktrina at mga Tipan 111–114
Paghahanda para sa Panalangin
Dinirinig lagi ng Ama sa Langit ang ating mga dasal (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 112:10–11). Upang matulungan kang maghanda na magdasal, subukang isulat o idrowing ang nais mong ipagdasal. Maaari mong isama ang isang bagay na ipinagpapasalamat mo, isang taong nangangailangan ng tulong, at isang bagay na kailangan mo ng tulong.
Oktubre 13–19: Doktrina at mga Tipan 115–120
Pangalan ng Simbahan
Tinawag ni Jesus ang Kanyang ipinanumbalik na Simbahan na “Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw” (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 115:3–6). Isulat ang bawat salita ng pangalang ito sa isang papel. Guluhin ang mga papel. Pagkatapos ay subukang ayusin ang pangalan ng Simbahan. Tingnan kung gaano kabilis mo ito magagawa!
Oktubre 20–26: Doktrina at mga Tipan 121–123
Hamong Gumawa ng Eroplanong Papel
Kapag sinisikap mong sundin si Jesucristo, ang maliliit na bagay ay maaaring makagawa ng malaking kaibhan! (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 123:15–17.) Sundin ang mga panuto sa pahina 34 para makagawa ng eroplano gamit ang tiniklop na papel. Pagkatapos ay gumawa ng isa pang eroplanong papel pero laktawan ang isa sa mga nakasaad na hakbang. Alin ang mas mahusay na lumipad? Bakit mahalaga ang bawat tupi o tiklop?
Mga larawang kuha ni Christina Smith