Madaling Basahin
Ang Cookie Bookmark
Isang tunay na kuwento mula sa USA.
“Pwedeng sa akin na lang ang huling cookie?” tanong ni Jack.
“Itabi natin para bukas,” sabi ni Inay. “Oras na para matulog.”
Bumagsak ang mga balikat ni Jack. Nagsepilyo siya. Isinuot niya ang kanyang pajama. At naiisip pa rin niya ang cookie.
Nagpunta siya sa kusina para uminom ng tubig. Ang cookie ay nasa isang supot malapit sa lababo. Walang nakatingin.
Hinablot ito ni Jack at mabilis na tumakbo pabalik sa kuwarto niya. Kinuha niya ang cookie mula sa supot at kumagat siya. Ang sarap.
At may narinig siyang mga yabag. Ang kapatid niya iyon! Nagsuot si Jack sa ilalim ng kanyang kumot.
“Anong ginagawa mo?” tanong ni Trevor.
May nakitang libro si Jack sa ilalim ng kumot. “Um … nagbabasa.”
Hinatak ni Trevor ang kumot na nakabalot kay Jack. “May cookie?”
“Ginagamit ko ito na bookmark,” sabi ni Jack.
Pumasok din si Inay. “Isang cookie na bookmark?”
Muling nagtalukbong ng kumot si Jack. Iniisip niya na sana ay umalis na si Inay at si Trevor. Hindi sila umalis.
Nag-init ang mukha ni Jack. Sumilip siya mula sa kumot. “Kinuha ko po ang cookie para makakain ako.”
“Salamat sa pagiging tapat,” sabi ni Inay.
Sumimangot si Jack. “Pero hindi po gumanda ang pakiramdam ko.”
Umupo si Inay sa kama. “Ang pagdarasal para humingi ng tawad ay makakatulong. Matutulungan ka ni Jesucristo na makadamang muli ng kapayapaan.
Sina Inay at Trevor ay lumuhod at nanalangin na kasama ni Jack. Nagsabi siya ng sori sa pagkuha ng cookie at sa pagsisinungaling.
Nang matapos na siya, ngumiti si Jack. “Hay, gumanda po ang pakiramdam ko!” Iniabot niya ang cookie kay Inay. “At pustahan tayo, mas masarap pa ito bukas!”
Mga larawang-guhit ni Samya Zitouni