Makakatulong Ako na Itayo ang Sion
Sa Doktrina at mga Tipan, nais ng Panginoon na magtipon ang mga tao sa isang lugar para sama-sama silang makasunod sa Kanya (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 62:4). Tinawag Niya itong Sion.
Ang ibig sabihin ng Sion ay “ang may dalisay na puso.” Ang ibig sabihin nito ay ang sinumang ginagawa ang lahat sa abot-kaya nila para sundin si Jesucristo ay makakatulong sa pagtatayo ng Sion.
Ngayon ay maitatayo natin ang Sion saanman tayo nakatira! Maitatayo natin ang Sion sa ating mga pamilya, ward, at branch gayundin sa ating mga puso. Itinuro sa atin ng mga propeta at apostol na itinatayo natin ang Sion kapag sama-sama tayong gumagawa at pinangangalagaan ang mga taong nangangailangan.
Narito ang ilang paraan na makakatulong ka sa pagtatayo ng Sion:
-
Gawin ang gawain sa family history.
-
Tulungan ang isang magulang o kapatid sa tahanan.
-
Basahin ang iyong mga banal na kasulatan.
-
Maglingkod sa iyong kapwa.
-
Batiin ang isang taong bago lang sa paaralan o simbahan.
-
Patawarin ang isang tao.
-
Ipagdasal ang isang taong nangangailangan.
Bahagi ng pagtatayo ng Sion ang pagtatayo ng mga templo. Sa tuwing may ginagawa ka para tumulong sa pagtatayo ng Sion, kulayan ang isang espasyo sa bintana ng templo.
Mga larawang-guhit ni Alyssa Petersen