2025
Ang Espiritu Santo
Hunyo 2025


Mula sa Unang Panguluhan

Ang Espiritu Santo

Hango sa “Kaibigan sa Kaibigan: Pagsunod kay Jesus” (video), Gospel Library.

Mga bata na umaakyat mula sa isang ilog na may tubig na dumadaloy papunta sa kanila

Ang Lola Chasty ko ang panganay sa kanyang mga kapatid na Olsen, at madalas na siya ang nag-aalaga noon sa kanila. Sa tag-init, naglalaro sila sa isang tuyong ilog malapit sa kanilang tahanan sa Castle Dale, Utah, USA. Isang araw nakarinig si Chasty ng tinig. Alisin mo ang mga bata na nasa ilog. Pero hindi nakinig si Chasty. Nagkakasayahan sila.

Pagkatapos ay muli niyang narinig ang tinig. Gayunpaman, patuloy siyang naglaro. At nangusap ang tinig sa ikatlong pagkakataon. Umalis kayo sa ilog!

Sa pagkakataong ito ay mabilis na inalis ni Chasty ang mga bata. Bigla silang nakarinig ng ugong. Dumaloy mula sa kabundukan ang napakalakas na tubig. Dahil nakinig si Chasty sa Espiritu Santo, nailigtas niya ang kanilang buhay.

Maaari tayong bigyan ng babala ng Espiritu Santo kapag may paparating na problema. Mahal kayo ng inyong Ama sa Langit. Alam Niya ang inyong mabubuti at magiliw na mga gawa, at pagpapalain Niya kayo dahil sa mga ito.

Puzzler na Nagpapahiwatig

Ang pahiwatig ay isang kaisipan o damdamin mula sa Espiritu Santo na gawin ang isang bagay. Sa kuwento ni Pangulong Oaks, nagpahiwatig ang Espiritu Santo kay Chasty na ialis ang mga bata sa ilog. Ano ang ipinahiwatig ng Espiritu Santo na gawin ng bawat isa sa mga batang ito? Para malaman, gumuhit ng linya sa pagitan ng mga kahon na magkapareho ang kulay. Huwag tumawid sa ibang linya!

Alt text

Mga larawang-guhit ni Corey Egbert