Mga Temple Card
Kinshasa Democratic Republic of the Congo Temple
-
Sa paglalaan, binasbasan ni Elder Renlund ang mga tao na maging matatag tulad ng Congo River.
-
Ang DR Congo ang may pinakamaraming miyembro ng Simbahan na nagsasalita ng French.
-
Bago ito itinayo, ilang araw na nagbibiyahe ang mga miyembro para makarating sa templo.
Tegucigalpa Honduras Temple
-
Ito ang unang templo sa Honduras.
-
Mahigit 4,000 kabataan ang nagtanghal sa kultural na pagdiriwang bilang pagpupugay sa templo.
-
Mga 15,000 katao ang dumalo sa pagdiriwang bago ang paglalaan.
Mesa Arizona Temple
-
Ito ang ikapitong templo na itinayo na patuloy pa ring ginagamit.
-
Noong 1945 ang templong ito ang unang nagsagawa ng mga ordenansa sa wikang Espanyol.
-
Bawat taon, isang Easter pageant ang ginaganap sa bakuran ng templo.
Mga larawang-guhit ni Rachel Erickson