2025
Mga Kaibigan sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo
Hunyo 2025


Mga Kaibigan sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Mga bata sa Primary na nagtataas ng mga painting ng mga nilikha ng Diyos

Ang mga bata sa Tasmania, Australia, ay may aktibidad sa Primary na ipinta ang mga larawan ni Jesucristo. Talagang nasiyahan sila na may aktibidad sila na magpinta ng mga nilikha ng Diyos.

Craft ng bata na etching o guhit ng templo

Camille S., edad 13, Utah, USA

Drowing ng bata tungkol kay anghel Moroni na nakatuntong sa tore ng templo

Hawkyum J., edad 9, Gyeonggi-do, South Korea

Batang babae na hawak ang kanyang templo na yari sa papel

Monique W., edad 7, Paraná, Brazil

Mga banal na kasulatan na binaybay gamit ang blocks na yari sa kahoy

“Scriptures,” David J., edad 6, Idaho, USA

Drowing ng bata na tungkol sa dalawang ibon

Gustavo L., edad 10, Montevideo Department, Uruguay

Batang babaeng nakangiti

Nasasabik na akong makapasok sa templo balang-araw. Alam ko na madarama kong malapit ako sa Ama sa Langit at kay Jesucristo kapag naroon ako.

Jayde S., edad 8, South Carolina, USA

Batang lalaking nakangiti

Isinulat ko sa journal ko ang tungkol sa binyag ko. Marami akong magagandang alaala mula sa araw na iyon. Malamig ang tubig, pero nadama ko ang init, saya, at kagalakan sa puso ko!

Landon M., edad 8, Virginia, USA

Batang babaeng nakangiti

Natutuhan ko na kapag natatakot ako o kapag may mga tanong ako, dapat akong magdasal. Nagpapasalamat ako na naririnig at sinasagot ng Ama sa Langit ang aking mga dasal.

Abigail W., edad 8, Hong Kong, China

Tatlong batang babae na may hawak na mga stuffed toy na aso

Ang aso naming si Ellie ay nagkasakit nang malubha at di-inaasahang namatay. Nami-miss namin ang sigla at galak na hatid niya sa aming pamilya. Inalo kami ng maraming mga miyembro ng ward na nagpadala ng mga munting liham, yakap, at maging mga stuffed animal na kamukha ni Ellie! Kinabukasan ay nagpunta kami sa open house ng templo at nakadama ng kapayapaan ang aming pamilya habang nagdadalamhati kami.

Jane, Lydia, at Maggie S., edad 6, 8, at 3, Washington, USA