Isang Nakakatakot na Palabas
Isang tunay na kuwento mula sa Brazil.
“Ay!
Caio, ano’ng problema?
May pinapanood ako na palabas, at naging nakakatakot ito.
Kapag may napapanood kang video na nakakatakot at hindi ka komportable, mahalagang patayin mo ito at puntahan mo ako at sabihin mo sa akin.
Irereport ko ang video na ito. Hindi ito dapat ipapanood sa mga bata. Magpahinga muna tayo at maghanda nang matulog.
Inay! Natatakot pa rin po ako sa video.
Alam kong nakakatakot iyon, pero pangako, hindi iyon tunay.
Magdasal tayo sa Ama sa Langit para matulungan ka Niyang makatulog.
Caio, gumawa kaya tayo ng sarili nating video na puwede mong panoorin?
Mukhang masaya po iyan!
Ang palabas na ito ang magiging pinakamaganda.
Mga paglalarawan ni Steve Brown