Mga Salita Ko Tungkol sa Ebanghelyo
Hanapin ang mga salita at pariralang ito sa isyung ito ng Kaibigan!
Pag-aayuno
Ang pag-aayuno ay kapag tayo ay walang pagkain o iniinom na tubig sa loob ng ilang oras o panahon. Ginagawa natin ang sakripisyong ito para mas mapalapit tayo sa Ama sa Langit at humingi ng mga pagpapala. Sinisimulan at winawakasan natin ang ating pag-aayuno sa panalangin.
Araw ng Sabbath
Ang ibig sabihin ng Sabbath ay “panahon para magpahinga,” at ang ibig sabihin ng banal ay “nakalaan sa Diyos.” Ginagawa nating banal at espesyal ang araw ng Sabbath sa pamamagitan ng pagsisimba, pagpapahinga sa karaniwang gawain, at pagtutuon ng pansin sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.
Tukso
Ang tukso ay kapag naiimpluwensyahan tayong gumawa ng isang bagay na mali o labag sa mga utos ng Diyos. Narito tayo sa lupa para matutong daigin ang tukso at piliin ang tama sa tulong ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.
Sion
Ang Sion ay maaaring maging anumang lugar kung saan ipinamumuhay ng mga tao ang ebanghelyo at tinutulungan ang isa’t isa. Ang ibig sabihin ng pagtatayo ng Sion ay pagsasama sa iba, pamumuhay ng ebanghelyo, at pagmamalasakit sa isa’t isa.
Mga larawang-guhit ni Madison Baker