2025
Hello mula sa Costa Rica
Hunyo 2025


Hello mula sa Costa Rica!

Ang Costa Rica ay nasa Central America. Ang opisyal na wika ay Spanish. Mahigit 5 milyong tao ang naninirahan doon.

Baybayin ng Costa Rica

Ang Costa Rica ay may mahigit 760 milyang (1,220 km) baybayin. Mayroon ding mga 600 na puti at itim na mga buhanginan sa mahabang baybayin!

Mahiwagang mga Bato

Ang mga sinaunang Diquís na mga tao ng Costa Rica ang lumikha sa mga bolang bato na ito. Hindi pa rin natin alam kung bakit ginawa ang mga ito o kung paano ginamit ang mga ito. Ano sa palagay mo?

Dalawang Panahon

May dalawang panahon sa Costa Rica—ang tagtuyot at ang tag-ulan. Karaniwan itong tuyo mula Disyembre hanggang Abril at maulan ang natitirang bahagi ng taon.

Pambansang Hayop

Noong 2021 ang sloth ay tinawag na pambansang hayop ng Costa Rica. Kabilang sa iba pang mga nakakatuwang hayop doon ang mga balyena, dolphin, manatee, toucan, at tapir!

Araw ng Kalayaan

Ang Araw ng Kalayaan ng Costa Rica ay sa Setyembre 15. Ang mga bata ay mahalagang bahagi ng mga pagdiriwang. Nagsasayaw sila at nagdadala ng mga parol sa mga parada.

Alt text

Mga paglalarawan ni Valeria Danilova, larawan ni Ezequiel Becerra/AFP via Getty Images