Pagsunod kay Jesus sa Costa Rica
Kilalanin si Mateo!
Sumusunod si Mateo kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagtulong sa mga missionary. Tinutulungan niya sila sa pagtuturo sa mga tao tungkol sa Tagapagligtas. “Kapag tumutulong ako, maganda ang pakiramdam ko,” sabi ni Mateo. “Pakiramdam ko ay pagpapalain ako ni Jesus dahil may nagawa akong mabuti para sa ibang tao.”
Sinusunod din ni Mateo si Jesus sa pamamagitan ng pagdarasal sa Ama sa Langit. Sabi niya, “Kapag nagdarasal ako, mainit at maganda ang pakiramdam ko. Alam ko na tutulungan ako ni Jesus.”
Tungkol kay Mateo
Edad: 7
Mula sa: San José, Costa Rica
Wika: Espanyol
Mga mithiin at pangarap: 1) Maging missionary. 2) Maging guro sa kompyuter.
Mga libangan: Soccer at mga video game
Pamilya: Mateo, Nanay, Tatay, at ang tatlong kapatid na lalaki
Mga Paborito ni Mateo
Kuwento tungkol kay Jesus: Nang pagalingin Niya ang lalaking bulag (tingnan sa Marcos 8:22–25)
Tradisyon ng Pamilya: Pagkakaroon ng home evening nang magkakasama
Bunga: Bayabas
Kulay: Lila
Awitin sa Primary: “Ako ay Anak ng Diyos” (Aklat ng mga Awit Pambata, 2)