Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Pagtatayo ng Kirtland Temple
Sinabi ng Panginoon kay Joseph Smith na panahon na para magtayo ng templo sa Kirtland, Ohio, USA. Iyon ay magiging espesyal na lugar kung saan bibisitahin ng Panginoon ang Kanyang mga tao at gagawa Siya ng mga pangako sa kanila.
Sinimulan ng mga Banal na itayo ang templo. Malaki ang nagastos at malaking gawain iyon. Pero sabik silang matanggap ang mga pagpapala ng Panginoon.
Habang gumagawa ang mga Banal sa templo, nagsimula silang maubusan ng pera. Nanalangin sila na tulungan sila ng Diyos.
Isang babaeng nagngangalang Caroline Tippets at ang kanyang pamilya ang nag-ipon ng maraming pera. Pinayagan nilang manghiram ng pera ang Simbahan para makatulong sa pagtatayo ng templo.
Nagtrabaho nang husto ang mga Banal. Ang ilan ay nagtulak ng mga bagon na puno ng mga bato. Ang iba ay gumawa ng mga damit at pagkain para sa mga manggagawa.
Ang mga bata ay nangolekta ng mga piraso ng basag na salamin para gilingin ito at ilagay sa mga dingding ng templo kaya kumikinang ang mga ito sa sinag ng araw.
Hindi nagtagal ay natapos ang templo! Sabik na ang mga Banal na pumasok sa bahay ng Panginoon upang matanggap ang mga pagpapala na ipinangako Niya sa kanila.