Masasayang Bagay
Mga Aktibidad sa Linggo
Gupitin ang mga ideya sa ibaba at ilagay sa isang garapon. Idagdag din ang sarili mong mga ideya! Tuwing Linggo sa buwang ito, subukan ang isang aktibidad na tutulong sa iyo na mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.
-
Sumulat ng pasasalamat sa isang tao.
-
Sabihin sa isang kapamilya kung bakit mahal mo siya.
-
Alamin ang iyong family history.
-
Sumulat ng listahan ng mga pagpapala mula sa Ama sa Langit.
-
Matuto ng bagong awitin sa Primary.
-
Makinig sa mga banal na kasulatan.
-
Bumuo ng dula-dulaan na hango sa banal na kasulatan.
-
Panoorin ang video ng Simbahan tungkol kay Jesucristo.
-
Basahin ang isang kuwento mula sa magasing Kaibigan.
-
Maglakad-lakad kasama ang iyong pamilya upang isipin ang tungkol sa mga nilikha ng Diyos.
-
Magdrowing ng paboritong kuwento sa banal na kasulatan.
Mga paglalarawan ni Joy Nevada Hale