Pag-ibig mula sa Itaas
Mula sa isang interbyu nina Savannah L. Tanner at Bradley Salmond III.
Noong lumalaki ako, itinuro sa akin ng mga lider ko sa Primary na ang mga kautusan ay gaya ng magiliw na mga sulat o liham mula sa Diyos. Noong naging ina ako, maraming beses kong pinag-isipan ang katuruang ito! Lalo na noong tinuturuan ko ang maliliit na anak ko.
Noong maliit pa ang panganay kong anak, gustung-gusto naming dalawa na gumagawa ng cookies. Gustong-gusto niyang minamasdan ang cookies habang niluluto ito sa oven. Binalaan ko siya na huwag masyadong lumapit. Pero masyado siyang mausisa kaya’t hinawakan niya at inilapit pa niya ang kanyang mukha sa salamin ng oven at nasaktan siya. Hindi siya nasunog, pero mainit iyon! Nagsimula siyang umiyak at tumakbo kaagad sa akin.
Dahil mahal ko ang aking anak, binigyan ko siya ng babala para manatili siyang ligtas. Binibigyan tayo ng Diyos ng mga kautusan dahil gusto Niyang manatili tayong ligtas. Ang mga kautusan ay talagang parang mga magiliw na liham o sulat mula sa Diyos!
Sinabi ni Jesucristo, “Kung ako’y inyong minamahal ay tutuparin ninyo ang aking mga utos” (Juan 14:15). Ipinapakita ng Diyos ang Kanyang pagmamahal sa atin sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng mga kautusan. Kapag sinusunod natin ang Kanyang mga utos, sinasabi natin sa Kanya na, “Mahal ko rin po Kayo.”
Pagtugmain ang Utos
Isulat ang letra ng kautusan na may larawan sa ibaba na tugma sa reperensya ng banal na kasulatan.
-
Malakias 3:10
-
Exodo 20:12
-
Juan 13:34–35
-
Exodo 20:8
-
Sundin ang Word of Wisdom
-
Magbayad ng ikapu
-
Manalangin
-
Igalang ang iyong mga magulang
-
Mahalin ang iba
-
Panatilihing banal ang Sabbath
Mga larawang-guhit ni Sue Teodoro