2025
Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Hunyo 2025


Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Mayo 26–Hunyo 1: Doktrina at mga Tipan 51–57

Oras ng Kuwento

Batang babae at batang lalaki na magkasamang nagbabasa ng aklat sa damuhan sa isang araw na nakasikat ang araw

Sinabihan ng Tagapagligtas si Joseph Smith na maglagay ng mabubuting aklat sa mga paaralan ng Simbahan para matutuhan ng mga bata ang nais Niyang matutuhan nila (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 55:4). Pumili ng paboritong aklat o kuwento. Maghalinhinan sa pagbabasa at pagbabahagi ng natutuhan ninyo.

Hunyo 2–8: Doktrina at mga Tipan 58–59

Mga Biyaya sa Linggo

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 59:9–19 at pag-usapan kung paano tayo binibiyayaan kapag ginagawa nating banal ang araw ng Sabbath. Pagkatapos ay buklatin sa pahina 13 at pumili ng aktibidad na gagawin.

Hunyo 9–15: Doktrina at mga Tipan 60–63

Maghanap at Magsalita

Batang babaeng nakatayo habang nakapikit at hawak ang mga banal na kasulatan, na nakaturo sa mga batang nakaupo sa paligid niya

Nais ng Ama sa Langit na magsalita tayo nang maingat tungkol sa mga sagradong bagay (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 63:64). Kasama ang isang grupo, tumayo nang pabilog na may isang tao sa gitna, hawak ang isang set ng mga banal na kasulatan. Ipipikit ng taong iyon ang kanyang mga mata, iikot, at ituturo ang isang tao. Ang taong napili niya ay magbabahagi ng isang talata ng banal na kasulatan sa lahat.

Hunyo 16–22: Doktrina at mga Tipan 64–66

Isang Nagkukusang Isipan

Batang babae at batang lalaki na naglalagay ng magasin na Kaibigan at stuffed toy na tupa sa isang basket

Nais ng Panginoon na magkaroon tayo ng nagkukusang puso at isipan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 64:34). Maaari tayong gumugol ng oras sa pag-iisip kay Jesucristo para mas mapalapit tayo sa Kanya! Kumuha ng bag o basket para kumatawan sa iyong isipan. Maglagay ng mga bagay sa bag na tutulong sa iyo na isipin ang tungkol sa Tagapagligtas.

Hunyo 23–29: Doktrina at mga Tipan 67–70

Mga Regalo para sa mga Kaibigan

Batang babaeng may hawak na plato ng cookies at kard na may sulat

Sa mga banal na kasulatan, nalalaman natin kung gaano kahalaga na magkaroon ng “tunay at tapat” na mga kaibigan para tulungan tayong sundin si Jesucristo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 69:1–2). Gumawa ng isang regalo na ibibigay sa isang kaibigan! Maaari kang magpinta ng isang larawan, gumawa ng pulseras, o magluto ng meryenda. Sumulat ng maikling liham na kasama ng iyong regalo para sabihin sa kaibigan mo na mahal mo siya.

Alt text

Mga larawang kuha ni Christina Smith